Morning Prayer
The grace of the Lord Jesus Christ and the love of God and the fellowship of the Holy Spirit be with you all. 2 Corinthians 13:14, RSV🙏Lord our God, our Father in heaven, we thank you for letting us receive so much that is good in all circumstances on earth. We thank you that we can have joy in life in spite of our shortcomings, mistakes, and worries. You bless us with heavenly gifts, so that rejoicing, we can walk on earth as if in heaven. Keep the gifts of your Spirit alive in us. Keep alive in us everything that Jesus Christ was, everything he is, and everything he will be on earth for all people.
🙏🙏🙏
“Tulang walang TITLE walang ENDING”
Mga nangako ng pagbabago,
di ko alam kung saan nag tungo?
Mga nangako ng Liwanag
ni aninoy hindi ko maaninag.
Sa panahon ng halalan
minsan ko lang silang nasilayan.
Ngayong may pandemya
namumuhay ng marangya.
Silay ikinulong, ang sabi’y
dumiskarte ng kusa.
Nawalan ng trabaho, nawalan ng kita.
Mga nagugutom lalong dumadami’t lalong lumalala.
Di ba’t sinabi nyo nuon
kayo ang sagot sa kahirapan?
Kaming mga mangmang,
ginamit nyong kasangkapan,
Nalansi at nagoyo sa matamis na pangako.
Ang sabi ng ilan,
Edukasyon ang solusyon,
ng lalong maintindihan at maliwanagan.
Ngunit tila itoy isang pangakong
bulaan lang.
Mismong kayo sa gobyerno hindi magka intindihan.
Panu na lang kaming umaasang matulungan.
Higit sa kailanman hindi karangyaan ang aming Kahilingan.
Ang tamang Sagot nyo ay aming inaasam.
Kayong nasa pwesto,
tumingin naman kayo.
Sa inyong dinaanan saglit nyo rin kaming silayan kahit minsan lang.
Kailangan nyo kami hindi lang sa halalan.
Kailangan namin kayo higit anu pa man.
Sa tuwing kami at kakatok sa inyo sasakyan, tila diring diri saming kalagayan.
Maari nyo bang ibaba ang inyong salamin,
Hindi para manghingi, kundi minsan lang pangkinggan.
Ang aming hinaing, na walang katapusan.
Wala na bang init ng yakap kaming malalasap?
Kundi ang init ng haring amang araw,
Lamig ng semento at aming higaan, pinagpatong na karton ang aming sandalan.
Pagsapit ng gabi, tila walang katapusan.
Pagsikat ng araw at Pagbukas ng mata, isang panibagong pag asa aming inaasam.
Sana ay may dumaan, may dalang pagkain pansapin sa tyan.
Lumipas ang buong araw, tuloy pa rin ang buhay… may puting sasakyang takbo’y dahan dahan.
May tila sumigaw… “biyaya biyaya”nandyan na si kuya.
Takbuhan na sila, “social distancing” ang sigaw.
Pila pila na wag kayong magsiksikan at magtulakan lahat kayo’y mabibigyan.
Sa aming paglayu dalay maraming hugasan, taob na kaldero.
Magaan ang karga ngunit dibdib ay bigat ang dala dala.
Sa aming pag uwi, larawan lang ang dala, larawang naka ipon sa aming camera.
Pwede mong idelete, pwede kang mag bura.
Ngunit sa aming dibdib higit kailanman naka ukit na sakit.. tulad nila, aming nadarama.
Mga tanong kung bakit, kami ang nagdadala.
Problema ng lipunan aming iniinda.
Ang aming dalangin, pandemyang
eto’y sana matapos na.
Kung eto man parusa,
aming dinanas na.
Hagupit ng tadhana’y aming tinanggap na.
Mga dalang aral naway natutunan na.
Tulad nyo, at tulad nila,
Minsan kong tinanong isang batang gala, alam mo ang covid?
Walang naisagot…
alam mo ang face mask?
Bakit sinusuot?
isang simpleng tanong,
hindi alam ang isasagot.
Binalik sa akin ang tanong…
kuya kuya may barya ka???
Sa iisang bubong tayo’y nakatira,
bubong ko ay langit, lupa ang syang sahig.
Tulungan nyo akong tula ko ay tuldukan, alam ko ang simula, ngunit tila walang katapusan………
Salamat sa pagbasa ng tula kong kay haba.
Naway may naintindihan ka.
Dahil kung ako ang tatanungin….
wala… wala… wala…..😭
Day 76 Street Feeding Mission
3 giant kalderong chicken arozcaldo, with chocolate milk drink and biscuits for 500 street children in metro manila, isn’t enough, there’s no such thing as enough 😢
At Payatas QC with maribel and julie’s team.
3 giant kalderong chicken arozcaldo, with chocolate milk drink and biscuits for 500 street children in metro manila, isn’t enough, there’s no such thing as enough 😢
Salamat po @ottoshoes halos magpatayan sila para sa ilang pares na tsinelas na inyong binigay. God bless you po!
Deuteronomy 15:7
If among you, one of your brothers should become poor, in any of your towns within your land that the Lord your God is giving you, you shall not harden your heart or shut your hand against your poor brother, 😍#SalamatSaPagasa
Payatas QC (no bashing pls, they don’t know whats “social distancing” is about, they dont wear face masks, all they want is food to survive, and your love and understanding ) 😍
3 giant kalderong chicken arozcaldo, with chocolate milk drink and biscuits for 500 street children in metro manila, isn’t enough, there’s no such thing as enough 😢
God bless you! @ogie_diaz (Brenda Nool) The Flores Family Foundation, The Boss, @waynegkline and many more!
Evening Prayer
Father, in the name of Jesus, I pray that you will give husbands&wives direction and the grace to obey you in all things. I use the keys You have given me, and bind the minds of husbands and wives to the mind of Christ, their wills to the will of God and their emotions to the control of the Holy Spirit. I loose wrong attitudes from them, destroy the power of all cutting, backbiting, and profane talk. I pray that they will become gentle with one another, sensitive; forgiving one another as quickly and thoroughly as God in Christ forgave them in the name of Jesus. If one refuses to obey your Word, then Lord have mercy on their soul and bring them to repentance. Your grace is sufficient as the born again spouse seeks to do your will for the good of their family. In the Name of Jesus!!! 🙏
LORD GOD bless us and protect us from the CORONAVIRUS and put an end to this problem. LORD GOD ALMIGHTY heal those who are sick with this virus.
🙏🙏🙏