JANUARY 28, 2019
Sa loob ng 2 araw na aking pamamalagi sa Guinobatan Albay para makapag abot ng konting tulong, nakapagpakain ng mahigit sampung libong(10.000) evacues at nakapagdulot ng konting kasiyahan sa maliit na kakayahan at paraan, sa tulong ng maraming kaibigan at volunteers nakita po ng dalawang mata ko ang paghihirap ng mga taong apektado ng pagbuga ng Bulkang Mayon, lalong lalo na mga bata sa mga evacuations centers. Tutuo po na napakadaming tulong pagkain, gamot etc ang dumarating mula sa ibat ibang NGO, gobyerno ngunit tila di pa rin sapat sa kanilang pang araw araw na pangangailangan. May mga bagay kaming napansin na tila mas kailangan nila tulad ng hygiene kit, sabon, damit, tuwalya, tsinelas, sa kadahilanang hindi naman nila mabalikan ang kanilang mga personal Na gamit sa Kanilang mga bahay na nasa paanan ng bulkan. Kaya mismong kami ang naka assess ng sitswasyon. Sa pagkakatong eto ay napag pasyahan po naming muling kumatok sa Inyong mga busilak na puso, na baka sakaling meron kayo mga lumang damit o anu mang bagay na pwede pa nilang mapakinabangan, maari nyo po akong i-pm o kaya idaan sa amin sa FHM headquarters. Tumatanggap po kami maski mga cupcakes, biscuits, candies, lollipops, kahit hotdogs, sardinas, noodles, at mga pagkain di madaling masira para sa mga bata. Sana po makatulong tayo maski man lang sa ganitong paraan. Kami po sa Feed Hungry Minds Library Inc. Ay patuloy na maglilingkod sa Abot ng aming makakaya sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang mayon na hanggang ngayon ay patuloy ang pag buga ng abo at alikabok sa camalig at guinobatan albay!!!! Bagamat walang makatiyak kung hanggang kailan ang saktipisyong eto. Ngunit alam kong hindi basta basta madaling panghinaan ng loob mga kababayan ko, ngunit kailangan pa rin po nila ang ating tulong at ayuda..Panuorin nyo po ang mga video at mga litrato at kayo na po humusga kung anu ang maagi ninyong maitulong. Feel free to share this to ur walls! Pagpalain kayo ng Panginoon!!! ???
#serbisyongFHM
#mayonmission2018
#feedhungryminds
#serbisyongFHM
#mayonmission2018
#feedhungryminds