Back to my regular mission!

We may have spent all our funds for different missions, but we will never run out of faith!

Yesterday I received a letter of request from a mother of 7 children from Alabang Puro Pioduran Albay, I dont even know where that is. A mother who has full of dreams for her children, 2 of which are in college and 4yr old youngest. She lost her right leg from Diabetes and was amputated a year ago, she literally cannot move around and attend her children. So she decided to pray for a Wheelchair, few moments later, a fellow kakampinks wired me money for my next mission and i asked her if we can buy a wheelchair for her, immediately said go ahead, (can’t reveal her name, but she’s an adorable angel in disguise) and was able to buy 2 sacks of rice for my green warriors!!!

Today I spent my whole day driving, and accompanied by my Fren Edna Arandia Pocaan natunton namin ang bahay sa bundok at makitid na daan. Laking gulat nya sa agarang answered prayers, napakabuti ng Panginoon! 🌹💐👍🙏🏽👌

Salamat po sa tiwala at sa blessings! Pagpalain kayo ng Panginon!

Pagkatapos ng trauma dulot ng bagyo lika patawanin natin sila lolo at lola sa isla ng Pitogo Bohol! Mga bagay na di mababayan ng kahit anu mang halaga!!! 💖

#eradicatehungerignorancepoverty #missionbeyondmusic #feedhungryminds

Habang binabalikan ko ang mga luma kong videos, di ko mapigilan ang luha ko sa pagpatak, hindi dahil nanghihinayang ako sa oras at pagod sa paglilingkod ko sa bayan at sa mga batang nasa laylayan kundi nalulungkot ako na tila iilan na lang kaming lumalaban para matugunan ang hinaing at hinagpis ng mga maralitang uhaw sa kaalaman.

Hanggang saan kaya namin kayang itulak ang naghihingalong banka paakyat sa ikapitong bundok katuwang ang mga anak kong Dumagat upang madala namin ang kanilang inaasam na mga aklat? Hanggang saan?

Pakiusap mga kakampinks wag tayo bibitaw sa pag gawa ng mabuti para sa susunod na henerasyon. Anu mang aral na natutunan natin sa Pink Movement ay ating isabuhay at ipagpatuloy. Dalangin ko na ang inspirasyon ni VP Leni Gerona Robredo na inukit sa ating mga puso at manatili sa atin at naway mag silbing gabay sa ating pakikibaka sa buhay! Tandaan, ang mga matang nagising ay di na muling pipikit!💖

Ituloy nating ang Radikal na Pagmamahal! #feedhungryminds