Message from Arpie Patriarca

Good morning po, musta po kayo, sana lahat kayo ay ok at ligtas dyan. ♥️

Bagamat di pa ramdam ang epekto ng lockdown at state of calamity sa ating mga lugar sa kasalukuyan dahil meron pang konting naitatabi ang bawat pamilya, ngunit hanggang kelan tatagal ang konting naiipon natin?

Sa ngayon ang aming samahan sa Feed Hungry Minds Library Inc. ay nag oobserba muna at nag hahanda para sa mga susunod na mga Pangyayari, kung sakaling lumala ang sitwasyon dulot ng corona Virus. Ang nakakatakot ay mga susunod na Mga pangyayari, maraming krimen, Nakawan, holdapan, patayan at gulong mangyayari dahil sa gutom at pagka ubos ng pagkain. Isipin natin ang taong nagugutom madalas nawawala na sa tamang katinuan, lalo na kung mga anak na nila ang nakataya at pag uusapan at kumakalam ang sikmura.😢

Sa pagkakataon ito napapanahon na siguro pagtulungan nating maibalik ang ispirito at ugaling Pinoy na magkapit bisig, magbayanihan, magtulungan, at magdamayan at ibalik ang tiwala sa bawat isa. Kung saka sakali, meron ba dito willing tumulong, sa pagluluto, paghahanda, pag repak, magpahiram ng sasakyan, mag deliver, mag alay ng oras at panahon para sa proyektong nabanggit? Comment lang po below kung willing po kayo.

Pililitin po naming makahanap ng mga saradong restaurant at makahiram ng kitchen, makahingi ng access o pass or id na manggaling sa local govt o munisipyo para pasiguradong tayu ay mga lihitimong volunteers makapasok o makalabas sa mga check points. Eto lang ang paraan naiisip namin para makatulong tayo sa gobyerno dahil alam naman nating lahat na hindi kakayanin nila ang naka atang na responsibilidad sa milyong milyong Pilipino sa gitna ng problemang ating hinaharap. Wala muna politika at bangayan, tulong tulong po tayo.

Our mission is to restore faith, love and trust to each other in times like this! God bless po! Mag ingat po tayong lahat, kaya natin to!!!

YouTube
YouTube
Set Youtube Channel ID